Kuwento tungkol sa paggawa ng adult content ang mapapanood sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.

Pinamagatang "My X Wife," iikot ang kwento sa mag-asawang masusubok ang relasyon dahil sa pagkapit sa patalim.

Breadwinner ng pamilya si Weng (Robb Guinto) at gagawin niya ang lahat para suportahan ang kanyang pamilya.

Nang tamaan ng COVID-19 ang kanyang lola, mapipilitan siyang gumawa ng adult content videos para tustusan ang gamutan nito.

Tutol dito asawa niyang si Drew (Yasser Marta) at magiging ugat ito ng maraming pagtatalo sa pagitan nila.