Article Inside Page

Showbiz News

May susunod na nga ba sa yapak ng unang trio ng Rosabellas?Sa pag-alis ni Megan (Olive May) mula sa P-Pop girl group na YUMI, magsisimula na rin ang solo career niya na matagal na niyang inaasam sa Born to Shine. Sa katunayan, ibinahagi na nga niya ang kanyang plano sa kanyang fans online.

Ngunit kasabay ng kanyang pag-alis, maiiwan naman ang dating grupo niya na kinabibilangan na lang ngayon nina Yuna (Mitzi Josh), Nancy (Gaea Mischa), at Alfea (Naya Ambi).

Sa pag-uusap nina Nate (Michael Sager), Monica (Roselle Nava), at ng tatlong natitirang miyembro ng grupo, nagbigay siya ng iba't ibang puwede nilang gawin para isalba ang YUMI. Maaari umanong mag-rebrand ang YUMI, o kaya naman ay gawin silang trio.