Article Inside Page

Showbiz News

Isang pangmalakasang collaboration ang mangyayari sa 'Born to Shine!'Isang matinding collaboration ang dapat abangan sa Born to Shine!

Sa mga upcoming episodes, mapapanood na ang P-Pop boy group na BGYO sa GMA Afternoon Prime musical drama series. Binubuo ang grupo nina Gelo Rivera, Akira Morishita, Nate Porcalla, JL Toreliza, at Mikki Claver.

Ang YUMI naman ay ang P-Pop girl group na binuo ng Astra Music sa seryeng binubuo nina Jeni (Zephanie), Megan (Olive May), Yuna (Mutzi Josh), Nancy (Gaea Mischa), at Alfea (Naya Ambi).