Article Inside Page

Showbiz News

Muling mapapanood ang P-Pop boy group na BGYO sa 'Born to Shine' soon!Magbabalik ang P-Pop boy group na BGYO sa GMA Afternoon Prime musical drama series na Born to Shine! Excited na rin ang muling pag-arte ang mga miyembro nitong sina Gelo Rivera, Akira Morishita, JL Toreliza, Mikki Claver, at Nate Porcalla.

Sa panayam sa kanila ni Athena Imperial para sa “Chika Minute” 24 Oras nitong Miyerkules, August 5, ipinahayag ng grupo ang nararamdaman nila sa pagbabalik nila sa naturang serye.

“Thankful kasi marami kaming nare-receive na feedback from people ta's nalalaman namin na nakikilala kami through Born to Shine,” sabi ni Gelo.