Article Inside Page

Showbiz News

Nilinaw ng BGYO members ang pagkaka-link nila sa ilang mga aktres. Alamin dito:Kinumpirma ng grupong BGYO na totoo ang bali-balitang love ban sa P-Pop groups.

Sa kabila nito, hindi naman masyadong nakaaapekto ito sa grupo dahil mas pinipili nilang mag-focus sa kanilang mga karera.

Bumisita ang mga miyembro ng grupo na sina Gelo Rivera, Akira Morishita, Nate Porcalla, at JL Toreliza sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, July 6. Dito, ibinahagi ni Akira ang tungkol sa love ban sa BGYO.