Article Inside Page
Showbiz News
Alamin kung paano napili bilang leader ng BGYO si Gelo Ramirez.Sa P-Pop groups katulad ng BGYO, isa sa mga pinakamahalagang role ay ang leader, na ginagampanan ni Gelo Ramirez. Ngunit paano nga ba siya napili?
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, July 6, ibinahagi ni Gelo, kasama sina Akira Morishita, Nate Porcalla, at JL Toreliza, kung paano nga ba niya nakuha ang pinakaimportanteng posisyon sa grupo.
Pagbabahagi ni Gelo, “I think it started nu'ng nagte-training kami with the Koreans at saka Pinoy coaches namin kasi throughout the training namin, nandu'n sila, e. Malaking factor siguro na ako ang pinakamatanda.”






