Article Inside Page

Showbiz News

Pagkatapos magpakitang gilas sa kantahan, ipapamalas naman ng VXON ang galing nila sa aktingan sa 'Born to Shine.'Sasabak na rin sa aktingan ang P-pop group na VXON sa GMA Afternoon Prime musical drama series na Born to Shine. Binubuo ang tinaguriang “Monsters of P-Pop” nina C13, Sam, Franz, Vince, at Patrick.

"Sobrang saya po ng experience, maraming salamat kay Direk Rod (Marmol) for having us here. Sobrang inalagaan niya po kami," sabi ni C13 sa panayam ni Athena Imperial para sa 24 Oras Weekend.

Dagdag pa ni C13, ang ma-perform ang kanilang awitin sa naturang serye ay malaking tulong na para mas ma-promote pa ang kanilang grupo at musika.