Article Inside Page

Showbiz News

VXON, ano nga ba ang masasabi matapos makatrabaho ang YUMI sa 'Born to Shine'?Malapit nang mapanood ang P-pop boy group na VXON sa GMA Afternoon Prime musical drama series na Born to Shine. At ayon sa tinaguriang “Monsters of P-Pop,” very special para sa kanila ang mapasama sa naturang serye.

Ang VXON ay ang P-pop boy group na binuo ng Cornerstone Entertainment Inc. Binubuo sila nina C13, Sam, Franz, Patrick, at Enzo.

Pagbabahagi ni Franz sa panayam ng GMANetwork.com sa grupo kamakailan lang, lahat naman sila ay may kaniya-kaniyang karanasan sa pag-arte nang solo. Mula sa guesting sa mga teleserye hanggang sa mga online at vertical series.