Article Inside Page
Showbiz News
Pressured man, excitement ang dala ng P-Pop group na VXON sa kanilang upcoming concert.Malapit nang mapanood ang P-Pop boy group na VXON sa GMA Afternoon Prime musical drama series na Born to Shine! Ngunit bago pa ang kanilang special guest appearance, masisilayan muna ang grupo sa kanilang 'Kalawakan: The Evolution' concert sa New Frontier Theater ngayong Sabado, June 27.
Mula sa SM Skydome, sa mas malaking New Frontier Theater gaganapin ang ikalawang concert nila. At sa panayam ng GMANetwork.com kina C13, Sam, Franz, Vince, at Patrick, ipinahayag ng tinaguriang “Monsters of P-Pop” ang kanilang saya at excitement para dito.
“Parang slowly but surely lumalaki nang lumalaki 'yung mga venue and at the same time, lumalaki na 'yung mga nakikinig at mga sumusuporta sa amin so we're very honored, and at the same time, may onting pressure po,” sabi ni Franz.







