Article Inside Page
Showbiz News
Palala nang palala ang away nina Jeni at Megan! Saan kaya ito hahantong?Mas tumitindi ang alitan ng dalawang miyembro ng Yumi na sina Jeni (Zephanie) at Megan (Olive May) sa Born to Shine!
Sa P-Pop boot camp pa lang nila, hindi na magkasundo sina Jeni at Megan at sa katunayan, naipahamak pa nga ng una ang huli nang lagyan niya ng pampatulog ang inumin nito. May ilang pananabotahe din na ginawa si Megan kay Jeni, dahilan para mapaalis ito ng bootcamp, at ma-injure bago ang kanilang final showcase.
At ngayong napapalapit ang loob ni Jeni kay Dara (Vina Morales) na ina ni Megan, hindi nito napigilan na magselos at magalit lalo sa kagrupo. Kamakailan lang, ibinulgar ni Megan ang totoong katauhan ng ina ni Jeni na si Minchie, bagay na pilit itinago ng Astra M, ang music producer na bumuo sa Yumi.






