Article Inside Page

Showbiz News

Madidiin sina Jeni at Minchie dahil sa kagagawan nina Dara at Megan!Tila may bago na namang pinaplano Sina Dara (Vina Morales) at Megan (Olive May) laban kay Jeni (Zephanie) sa Born to Shine!

Sa episode nitong Biyernes, July 24, ibinulgar na ni Chika Nene (Inah Evans) ang totoong pagkatao ni Jeni sa araw mismo ng kaniyang birthday celebration: na anak siya ni Dio (Rayver Cruz) at Minchie (Manilyn Reynes), na ikinagulat ng marami.

Dahil sa rebelasyong ito, napilitan si Jeni na sagutin ang mga tanong ng reporters sa kaniya kung saan inamin niyang magtagal na nilang alam ni Megan na magkapatid sila. Ngunit ang huli, inilaglag si Jeni nang sabihin na wala siyang alam at na maging siya ay nagulat dito.