Article Inside Page
Showbiz News
Nabunyag na ang katotohanan ng pagkatao ni Jeni sa 'Born to Shine!'Hindi na napigilan ni Jeni (Zephanie) na sabihin ang katotohanan kay Megan (Olive May) na magkapatid sila sa Born to Shine matapos ilang ulit iparamdam ng huli ang galit nito sa una.
Pagkatapos ng watch party ng YUMI na kinabibilangan nina Jeni, Megan, Alfea (Naya Ambi), Yuna (Mitzi Josh), at Nancy (Gaea Mischa), nakita muli ni Megan ang pagkakaiba nila ni Jeni; kung papaano maraming humahanga dito, maraming fans, at may present na mga magulang.
At dahil alam ni Jeni na malungkot ang kanyang kapatid, sinubukan niyang tulungan ito at pagaanin ang loob. Ang paniniwala kasi ni Jeni, hindi pa alam ni Megan ang totoong relasyon nila. Kaya nang masigawan siya ng huli, nabulalas na ni Jeni na magkapatid sila.






