Article Inside Page
Showbiz News
Sa paglabas ng katotohanan, kanino kaya maniniwala si Jeni?Unti-unti nang nabubulgar ang mga sikretong itinatago sa Born to Shine!
Sa episode nitong Lunes, July 13, sinabi na ni Amelia (Tessie Tomas) kay Jeni (Zephanie) ang tunay niyang pagkatao: na ang tunay na ama ng dalaga ay si Dio Halari (Rayver Cruz), at siya ang lola nito.
Ngunit imbes na matuwa, napuno lang ng galit si Jeni at sinabing kung dati ay gustong gusto niyang maging lola si Amelia, ngayon ay kinamumuhian na niya ito dahil sa pananakit at pang-aalipusta sa kanila ng inang si Minchie (Manilyn Reynes).






