Article Inside Page

Showbiz News

Nagkabati na rin sa wakas ang dating magkaaway.Matapos ang matinding away at banggaan nina Jeni (Zephanie) at Megan (Olive May) sa Born to Shine, nagkabati na rin ang dalawang miyembro ng Yumi!

Matatandaan na nitong nakaraang episodes ay nalagay sa panganib ang buhay ng dalawa matapos pagtangkaan na nakawan ang kwarto nina Megan. Kasama niya noon si Jeni dahil may kailangan silang pag-usapan nang madiskubre ang mga magnanakaw sa kwarto.

Ngunit bago pa sila nakatakas ay naharangan na sila ng dalawang magnanakaw at pilit kinuha ang lahat ng mahahalagang bagay sa kwarto, kasama na ang kwintas ni Megan na galing sa ama na si Dio (Rayver Cruz).