Article Inside Page
Showbiz News
Tuluyan nang nagkaniya-kaniya ang mga dating miyembro ng YUMI! May pag-asa pa bang mabuo sila ulit?Tuluyan nang nagkawatak-watak ang dating mga miyembro ng YUMI sa Born to Shine!
Matatandaan na kinailangan umalis ng YUMI ni Jeni (Zephanie) matapos siyang akusahan ng iba't ibang kasinungalingan nina Megan (Olive May). Samantala, nagdesisyon naman ang huli na magsolo para mas pausbungin pa ang kaniyang karera.
Dahil dito, napilitan ang Astra M, ang nagma-manage ng YUMI, na i-disband sila, dahilan para mawalan ng trabaho ang ibang mga miyembro nito.






