Article Inside Page
Showbiz News
Tuluyan na bang babagsak ang YUMI dahil kay Jeni? Panoorin sa 'Born to Shine.'Sunod-sunod ang kontrobersiya na kinakaharap ngayon ng YUMI at ng leader nitong si Jeni (Zephanie) sa Born to Shine.
Matapos i-reveal ni Chikanene (Inah Evans) ang sikretong tinatago nina Jeni, Minchie (Manilyn Reynes), at Perry (Smokey Manaloto) na anak ni Dio (Rayver Cruz) ang dalaga, maraming netizens ang namba-bash online at offline kay Jeni.
Marami ang nagsasabing sinira nina Jeni at Minchie ang mga buhay nina Dio, Dara (Vina Morales), at Megan (Olive May) dahil sa relasyon nila sa padre de pamilya ng mga Halari.






