Article Inside Page

Showbiz News

Isang boses na lang ang maririnig sa pagsisimula ng solo era ni Jeni sa 'Born to Shine'.Magsisimula na ang solo era ni Jeni (Zephanie) sa Born to Shine!

Ito ay matapos siyang ilagay sa hiatus ni Monica (Roselle Nava) mula sa YUMI pagkatapos ng ilang gulo na kinasangkutan niya, ng kaniyang pamilya, at nila ni Megan (Olive May).

Matatandaan na sa mismong araw ng kaarawan ni Jeni ay ibinulgar ni Chikanene (Inah Evans) ang totoong pagkatao ni Jeni: na anak siya ni Dio Halari (Rayver Cruz). Kaya naman, ang young star, inulan ng pamba-bash at pangungutya ng fans.