Article Inside Page

Showbiz News

Suportado ng ' Born to Shine' fans ang solo era ni Jeni (Zephanie)!Suportado ng fans ng GMA Afternoon Prime musical drama series na Born to Shine ang pagpasok ni Jeni (Zephanie) sa kanyang solo era.

Matatandaang nasangkot si Jeni at ang kanyang mga magulang na sina Minchie (Manilyn Reynes) at Perry (Smokey Manaloto) sa isang eskandalo nang ibulgar ni Chikanene (Inah Evans) na anak ni Dio Halari (Rayver Cruz) si Jeni.

Lalo lang pinalala nina Dara (Vina Morales) at Megan (Olive May), ang asawa't anak ni Dio, ang sitwasyon nang sabihin nilang wala silang alam at nagulat lang din sila sa balita.