Article Inside Page
Showbiz News
Struggle daw para kay Zephanie ang isang eksena niya sa 'Born To Shine' dahil "in real life, hindi ako ganu'n." Alamin dito:Puno ang recent episodes ng Born to Shine ng ilang mga napaka-intense na eksena. Ang bida nga nitong si Zephanie, na gumaganap bilang si Jeni, ay may ilang pisikalan na eksena sa serye.
Inamin ng aktres sa naganap na event ng Cornerstone Entertainment Inc. nitong Linggo, July 26, na napaka-challenging ng ilang mga eksena niya sa GMA Afternoon Prime series.
“Actually, walang specific pero pagdating sa mga scenes na galit, 'yung galit na frustrated, kung napanood n'yo 'yung unang scenes—mostly nu'ng mga start ng Born to Shine, na nag-aaway kami ni Nanay Minchie—'yung mga ganu'ng scenes, alam ni direk [Rod Marmol] na nag-struggle ako magalit or i-express 'yung ganu'ng iyak, na from anger,” sabi ni Zephanie.






