Article Inside Page

Showbiz News

Hindi naging madali para kina Zephanie at Olive May ang eksena sa 'Born to Shine' kung saan nalaman na nilang magkapatid sila.Naging emosyonal umano ang Born to Shine stars na sina Zephanie at Olive May nang gawin nila ang eksena kung saan nalaman na nilang magkapatid ang kanilang mga karakter sa serye na sina Jeni at Megan.

“Bilang Zephanie, I guess ako 'yung parang nahihirapan para kay Jeni kasi ang dami na talaga niyang pinagdadaanan sa life and itong revelation na 'to, in real life, hindi ito madali, e,” sabi ni Zephanie.

Nakapanayam ng GMANetwork.com sina Zephanie at Olive sa naganap na mall show at album launch ng GMA Afternoon Prime series nitong Sabado, July 18, sa SM Center Muntinlupa.