Article Inside Page

Showbiz News

Mas marami pang kaabang-abang na eksena sina Zephanie at Tessie Tomas sa 'Born to Shine.'Sa kabila ng pag pangit ng maganda sanang relasyon nina Jeni (Zephanie) at Amelia (Tessie Tomas), may puwang pa rin sa puso ng dalaga para patawarin ang kanyang lola sa Born to Shine.

Sa panayam ni Athena Imperial kay Zephanie para sa 24 Oras Weekend, sinabi ng aktres na mas marami pa silang eksena ng beteranang aktres na dapat abangan ng mga manonood, lalo na ngayon na gumawa na ng paraan si Amelia para magkalapit silang muli.

Ani Zephanie, very professional si Tessie on cam. Pero off cam, "Parang akala mo, masungit siya, pero sobrang kwela. Joker siya, as in, kaya it's so much fun po working with her."