Article Inside Page
Showbiz News
Isang desisyon ang kailangang gawin ni Megan para matulungan ang kagrupo at kaibigan niyang si Jeni.Nalaman na sa wakas ni Megan (Olive May) na kapatid niya si Jeni (Zephanie), na anak ng ama niyang si Dio (Rayver Cruz), sa Born to Shine. Hindi lang iyon, nalaman na rin ng dalaga ang iba pang sikretong itinatago ng ina niyang si Dara (Vina Morales).
Matatandaan na nitong mga nakaraang episode ay nakita na ng Yumi ang litrato ng basher na nanggulo sa kanilang fan meet, at siniraan at ipinahiya si Jeni sa publiko. Kalaunan, napansin din ni Megan na tila laging may kausap ang inang si Dara nang patago.
Hindi nagtagal, nakita niya ang litrato ni Dara kasama ang naturang fan at dito niya napagtanto na ito ang presidente ng fan club ng kaniyang ina. Ngunit kahit kinompronta na niya si Dara, itinanggi nitong alam niya ang ginagawa ng kaniyang fan.






