Article Inside Page

Showbiz News

Tessie Tomas and Zephanie as Amelia and Jeni on Born to ShineLubos ang pagsisisi ni Amelia (Tessie Tomas) sa pagtrato niya ng hindi maganda kay Jeni (Zephanie) sa Born to Shine matapos malaman ang katotohanang apo niya pala ang dalaga.

Sa episode nitong Lunes, July 6, kinompronta ni Minchie (Manilyn Reynes) sa YUMI House dahil sa masasakit na sinasabi nito patungkol kay Jeni. Dito, sinabi ni Minchie na hindi dapat ganoon ang maging trato nito kay Jeni dahil anak din ng anak niyang si Dio (Rayver Cruz) ang dalaga.

Tumaas ang blood pressure ni Amelia dahil sa kumprontasyon na ito, dahilan para dalhin siya sa ospital. Doon, nakausap niya si Dara (Vina Morales) at kinumpirma nito ang sinabi ni Minchie.