Article Inside Page

Showbiz News

Ramdam na nina Jeni, Minchie, at Perry ang galit ni Dara!Lumabas na ang katotohanan sa tunay na pagkatao ni Jeni (Zephanie) sa Born to Shine! Kaya naman si Dara (Vina Morales), matinding galit ang ipinaparamdam sa dalaga, at sa nanay nito at kaibigan niya noon na si Minchie (Manilyn Reynes).

Matatandaan sa episode noong Biyernes, June 5, aksidenteng narinig ni Dara si Perry (Smokey Manaloto) nang sabihin nitong anak ni Dio (Rayver Cruz) si Jeni. Dahil dito, gumawa ng paraan si Dara para makuha ang DNA ng dalaga at ipa-test sa DNA ni Dio.

Nang matanggap ang resulta, nalaman niyang may 99.99 na porsyento na anak nga ni Dio si Jeni. Dahil dito, pakiramdam ni Dara ay niloko siya ni Minchie, dahilan para magtanim siya ng galit sa dating kaibigan at kay Jeni.