Article Inside Page
Showbiz News
Isang sikreto ang nalaman ni Dara na dudurog sa kaniyang puso at relasyon sa mga kaibigan!Isang matinding sikreto ang nalaman ni Dara (Vina Morales) na babago sa kaniyang pakikitungo kay Jeni (Zephanie) at sa mga kaibigan niya sa Rosabellas na sina Minchie (Manilyn Reynes) at Charice (Tina Paner) sa Born to Shine.
Matatandaan na kamakailan lang ay nadulas ang dating kabanda nila na si George (Don Umali) kay Charice na may iniwang anak si Dio (Rayver Cruz) kay Minchie. Dahil dito, kinumpronta ni Charice si Minchie at tinanong ang totoong pagkatao ni Jeni, ngunit hindi ito nabigyan ng pagkakataon na sumagot dahil sa pagdating ni Dara.
Sa legacy concert ni Dara, sa control room, kinumpronta naman ni Perry (Smokey Manaloto) si George para tanungin kung sino pa ba ang nakakaalam tungkol sa sikretong iyon. Ayon kasi sa kaniya, ang tangi lang na nakakaalam ng totoong pagkatao ni Jeni ay sila ni Minchie at si George.






