Article Inside Page

Showbiz News

Isang panibagong sikreto ang nanganganib na madiskubre sa 'Born to Shine!'Isang matinding sikreto ni Dara (Vina Morales) ang tila unti-unti nang mabubulgar sa Born to Shine!

Kamakailan ay ipinakilala na ang asawa ni Coach Vanna Grande (Sheryl Cruz) na si Freddie Grande (Christian Vasquez), ang namamahala ng Engrande Music, isa sa mga malalaking music production company ng bansa.

Ngunit sa likod ng successful na music production company owner at loving husband, may itinatago pa lang sikreto si Freddie—ang relasyon nila ni Dara.