Article Inside Page
Showbiz News
Nahuli na ni Amelia ang ginawa ni Dara sa fan meet ng Yumi!Nahuli na ni Amelia (Tessie Tomas) si Dara (Vina Morales) bilang ang pasimuno ng kaguluhan sa naganap na fan meet ng Yumi sa Born to Shine.
Matatandaan na nalaman na ni Dara ang tunay na katauhan ni Jeni (Zephanie) bilang anak diumano ni Dio (Rayver Cruz). Dahil dito, pakiramdam niya ay pinagkaisahan siya ng dalaga, at ng ina nitong si Minchie (Manilyn Reynes).
Dahil dito, tinawagan ni Dara ang isa sa mga diehard fans niya at nagpatulong na guluhin ang naturang fan meet. Dahil dito, nag-away-away ang fans. Sinubukan naman ni Perry (Smokey Manaloto) na pigilan ang fans at protektahan ang anak, dahilan para matulak at mahulog siya mula sa stage.






