Article Inside Page

Showbiz News

Isang bagong singing trio ang aabangan kina YuNanFea!Mukhang may bagong singing trio na dapat abangan ang music fans! Iyan ay ang mga bida ng GMA Afternoon Prime musical series na 'Born to Shine' na sina Mitzi Josh, Naya Ambi, at Gaea Mischa.

Kamakailan lang ay bumisita si Mitzi sa isang cafe malapit sa Kamuning Road, Quezon City para makipag chikahan at kulitan sa kaniyang fans, at para na rin haranahin sila. Para sa ilang kanta, nakasama niya ang co-stars at kapwa singers na sina Naya at Gaea, na ikinatuwa ng fans.

Sa Facebook reel na pinost ni Gaea, marami ang pumuri sa ganda ng boses at blending ng trio sa rendition nila ng “For Good” mula sa stage play at pelikula na “Wicked.”