Article Inside Page

Showbiz News

Triplets na binubuo nina Manilyn Reynes, Tina Paner, at Sheryl Cruz, muling napanood sa 'Born to Shine'.Simula nang maging bahagi ng GMA Afternoon Prime series na Born to Shine si Sheryl Cruz, maraming fans na ang humihiling ng performance ng dating Triplets members kasama sina Manilyn Reynes at Tina Paner na bahagi rin ng serye.

Matatandaan na naging miyembro ang tatlo ng '80s showbiz and singing trio na Triplets. May ilang pagkakataon na rin na nagsama-sama muli ang tatlo para mag-perform. Noong 2024, muli silang napanood sa telebisyon nang magkakasama na mag-guest sila sa GMA Afternoon Prime talk show na Fast Talk with Boy Abunda.

Sa episode nitong Sabado, August 29, muling nagsama ang tatlo sa entablado para mag-perform bilang mga karakter nilang sina Minchie (Manilyn), Charice (Tina), at Vanna (Sheryl).