Article Inside Page

Showbiz News

Alamin ang reaksyon ni Vina Morales na makatrabaho ang kanyang kapwa 'That's Entertainment' regulars sa 'Born to Shine.'Tila naging isang reunion ng That's Entertainment regulars ang GMA Afternoon Prime musical drama series na Born to Shine ayon kay Vina Morales. Ilan kasi sa mga bida ng serye, tulad niya at nina Manilyn Reynes, Tina Paner, at Smokey Manaloto, galing sa naturang variety show.

Bukod sa kanila, nag-guest din ang ilan pang actor na nanggaling din sa show tulad nina Sheryl Cruz at Don Umali.

“Sabi ko nga, 'Ano ito, mga reunion ng That's Entertainment?' Kaya nga 'pag minsan, 'pag may dumadating na ibang mga kaeksena namin na which is minsan, karamihan, That's Entertainment, si Don Umali, 'Ano 'to? Sino'ng kulang na lang?'” sabi ni Vina sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, May 20, kasama ang co-star na si Tessie Tomas.