Article Inside Page

Showbiz News

Muli na bang maririnig ang tinig ng girl group na Rosabellas sa 'Born to Shine'?Matapos ang matagal na away nina Jeni (Zephanie) at Megan (Olive May) sa Born to Shine, magkaibigan na sila sa wakas! At gaya nga ng sabi ni Perry (Smokey Manaloto), sana ang mga ina rin nilang sina Minchie (Manilyn Reynes) at Dara (Vina Morales) ay magkabati na rin.

Sa katunayan, ito rin ang hiling ng ikatlong miyembro ng girl group nilang Rosabellas na si Charice (Tina Paner), na magkaayos na sa wakas ang kaniyang mga kaibigan at mag-reunion ang kanilang grupo.

Matatandaan na sa mga nakaraang episode, ilang ulit na nagkasama ang tatlo sa iba't ibang mga pagkakataon. Isa rito ang pagpanaw ng number one fan ni Dara at ng Rosabellas na si Ate Concie, kung saan dumalaw sila sa lamay nito.