Article Inside Page
Showbiz News
Abangan ang pagliligtas ni Enrico (James Blanco) kay Mama Bebe (Katya Santos) sa You're My Favorite Song!Sa kabila ng saya at kilig sa Brighton Bay Ball, sunud-sunod naman ang masamang plano ni Serina (Kazel Kinouchi) upang pabagsakin ang pamilya Dimaculangan, tapusin ang asawang si Enrico, at mahanap ang tunay na tagapagmana ng mga Montaverde na si Celestine.
Matapos niyang malaman na buhay pa ang asawang si Enrico, na minsan na niyang pinagtangkaang pasabugin sa isang yate upang palabasing patay na, pinagtangkaan rin ni Serina ang buhay ng katiwala ni Enrico na si Lady Mara (Wilma Doesnt).
Ipinadampot ni Serina si Lady Mara sa kaniyang mga tauhan sa sindikato upang ipapatay. Gayunpaman, nakatakas ito at nakasalubong si Alfred Balastas—isa sa mga dating miyembro ng sindikatong dumukot kay Celestine Montaverde at ang tanging may alam kung nasaan na ito ngayon.






