Article Inside Page
Showbiz News
Magkahalong paghanga at kaba ang hatid sa fans at viewers ng intense scene nina Angel (Caprice Cayetano), Mama Bebe (Katya Santos), at Serina (Kazel Kinouchi) sa 'You're My Favorite Song!'Tuloy-tuloy pa rin ang kasamaan ni Serina sa kaniyang walang-humpay na paghihiganti sa sarili niyang pamilya—kina Lolo Xavi (Boboy Garrovillo), Mama Bebe (Katya Santos), at Angel (Caprice Cayetano).
Matapos ang naunang plano na sirain ang Gran Vista Resort upang mabili ito at mapasakamay ng Montaverde empire, muli na namang naglunsad ng pananabotahe si Serina upang tuluyang mapabagsak ang kaniyang kinamumuhiang pamilya.
Noong episode noong Martes, July 7, isang maitim na balak ang isinagawa ni Serina. Binayaran niya ang mga staff ng resort ng pamilya Dimaculangan upang kumbinsihin ang mga ito na biglaang umalis, na nagbunsod nga sa isang matinding mass resignation.






