Article Inside Page
Showbiz News
Umaapaw na kilig ang ipinadama muli nina Angel (Caprice Cayetano) at Miguel (Heath Jornales) sa 'You're My Favorite Song!'Bilang bahagi ng patuloy na paghihiganti at masamang plano ng Montaverde empire laban sa pamilyang Dimaculangan, nagsagawa ng panibagong pananabotahe si Serina.
Sa episode noong Martes, July 7, sinuhulan ni Serina ang mga staff ng Gran Vista Resort upang sabay-sabay na magbitiw sa tungkulin. Ang nasabing mass resignation ay hakbang ni Serina upang magdulot ng kaguluhan sa operasyon ng resort at tuluyang mapabagsak ang kaniyang mga kinamumuhiang kaaway.
Nagkainitan sina Angel at Serina matapos magmakaawa ng una na itigil na ang paninira sa resort. Dahil sa inis, pisikal na sinaktan ni Serina si Angel.






