Article Inside Page

Showbiz News

Nagtagpo na ang landas ni Angel (Caprice Cayetano) at ng mga Montaverde sa 'You're My Favorite Song.'Matapos ang masayang pagbubukas ng Gran Vista Resort na pangarap ng pamilya Dimaculangan na sina Angel, Mama Bebe (Katya Santos), at Lolo Xavi (Boboy Garrovillo); isang 'di magandang pangyayari naman ang hinarap ni Angel.

Sa episode noong Huwebes, July 2, nakaharap na ng dalaga sa kauna-unahang pagkakataon si Serina (Kazel Kinouchi), ang anak ni Lolo Xavi na bumalik sa kanilang resort upang maghiganti.

Hindi naging maayos at maganda ang una nilang pagkikita dahil ipinakita agad ni Serina ang kaniyang ugali kay Angel at ipinahayag nito ang galit niya sa pamilya at ang kagustuhan nitong mapatalsik ang pamilya ng dalaga palabas sa Solmera City.