Article Inside Page
Showbiz News
Abangan kung paano aalipustahin ni Serina (Kazel Kinouchi) si Angel (Caprice Cayetano) sa You're My Favorite Song!Tuloy pa rin sa paghihiganti si Serina sa kaniyang pamilya na sina Lolo Xavi (Boboy Garrovillo) at Mama Bebe (Katya Santos). Ginagawa niya ito sa pamamagitan ng pagbili sa pangarap na dream resort nitong Gran Vista Resort na siyang itinaguyod ni Angel.
Noong nakaraan, nagplano si Serina na sirain ang resort kung saan nag-hire siya ng mga bata upang gawin ito. Natuklasan ito ng pamilya Dimaculangan na nagdulot ng labis na pag-aalala sa kanila para sa kalagayan ng itinayong resort.
Kamakailan din, nakaharap na rin ni Angel ang kaniyang tita Serina. Hindi naging maayos at maganda ang una nilang pagkikita dahil ipinakita agad ni Serina ang kaniyang tunay na ugali. Ipinahayag niya ang galit sa pamilya at ang kagustuhan nitong mapatalsik ang pamilya ng dalaga palabas ng Solmera City.






