Article Inside Page

Showbiz News

Abangan kung paano matatagpuan ni Mama Bebe (Katya Santos) ang katawan ni Enrico Montaverde (James Blanco) sa Gran Vista Resort sa 'You're My Favorite Song.'Matapos mahuli ni Enrico ang lihim na relasyon ng kaniyang asawang si Serina (Kazel Kinouchi) at ng driver nitong si Tyrone (Royce Cabrera), labis ang naging galit niya. Agad niyang binantaan ang dalawa na palalayasin na sa poder ng mga Montaverde.

Binalaan niya si Tyrone na sisiguraduhin niyang hindi na ito makakahanap pa ng trabaho sa buong Solmera City. Hiwalayan naman at agarang pagpapaalis sa pamilya Montaverde ang naging banta niya kay Serina.

Labis itong ikinabahala ni Serina, kaya naman plinano niya sa tulong ni Tyrone na dispatsahin ang asawa bago pa man nito maisakatuparan ang mga banta sa kanila.