Article Inside Page
Showbiz News
Nabunyag na ang katotohanan kay Enrico (James Blanco) na ang kaniyang nawawalang anak na si Celestine ay si Angel (Caprice Cayetano) sa 'You're My Favorite Song!'Pinaghalong kaba at excitement ang naramdaman sa episode noong Huwebes, July 23, kung saan isang malaking katotohanan ang nabunyag kina Enrico (James Blanco), sa pamilya Dimaculangan, at sa bida ng serye na si Angel (Caprice Cayetano).
Sa episode noong Miyerkules, July 22, naudlot ang seremonya ng kasalan nina Angel at Miguel (Heath Jornales) sa marriage booth ng Brighton Bay Ball. Ito ay dahil sa balitang dala nina Zion (Marco Masa) at Adie (Princess Aliyah) kay Angel na ipinadampot at ipinakulong ang kaniyang Mama Bebe (Katya Santos) ng kaniyang Tita Serina (Kazel Kinouchi).
Agad namang pinuntahan ni Angel ang tumatayong ina upang palakasin ang loob nito at gawan ng paraan na makalabas sa kulungan. Samantala, matapos tugisin ng grupo nina Serina at Tyrone (Royce Cabrera) si Enrico sa Gran Vista Resort, himalang nagbalik ang alaala nito at nakatakas mula sa mga gustong patumbahin siya.






