Article Inside Page
Showbiz News
Mas tumitindi pa ang mga rebelasyon at sunod-sunod na plot twists sa You're My Favorite Song!Sa gitna ng patuloy na kasamaan at pagtatangka ni Serina (Kazel Kinouchi) na agawin ang Gran Vista Resort, nananatiling matatag si Angel (Caprice Cayetano sa kaniyang layuning ipagtanggol at pangalagaan ang pinapangarap na negosyo ng kaniyang pamilya.
Sa tulong ng kaniyang mga kaibigan, determinadong protektahan at palaguin ni Angel ang kanilang resort. Malaking tulong ang naibigay ni Miguel, na gamit ang kaniyang disguise bilang ang singing busking bear na si Captain Serenade, matagumpay na nakahatak ng mas marami pang bisita at customers matapos siyang mag-perform mismo sa loob ng Gran Vista.
Sa kabilang banda, hindi rin nagpatinag si Adie. Matapos niyang masaksihan ang kalupitan ni Serina kay Angel noong dumalaw ang huli sa Montaverde Resort, pinili niyang kumampi at ipagtanggol ang kaibigan.






