Article Inside Page
Showbiz News
Abangan ang pagbubukas ng Gran Vista Resort ng pamilya ni Angel (Caprice Cayetano) sa You're My Favorite Song!Masaya na muli si Angel dahil matapos maisugod si Lolo Xavi (Boboy Garrovillo) sa ospital ay muli na itong makakauwi sa kanilang bahay.
Hindi man nanalo sa Regional QuizCon kung saan nakapareha niya ang kaniyang academic rival na si Calix (Clifford), tila hulog ng langit sa buhay ni Angel ang kaibigang si Zion (Marco Masa) na siyang tumulong sa kaniya upang makalikom ng pera pambayad sa gastos sa pagpapagamot sa kaniyang lolo.
Ang pinagipunang ticket sa concert ng Siklab na dapat ay ibibigay ni Zion kay Charm (Waynona Collings) ay minabuti niyang ibigay kay Angel para makalikom ng pera para makalabas na si Lolo Xavi sa ospital.






