Article Inside Page
Showbiz News
Abangan kung ano nga ba ang sasapitin ni Enrico Montaverde (James Blanco) matapos niyang malaman ang lihim na relasyon nina Serina at Tyrone!Hindi inaasahan ni Serina (Kazel Kinouchi) at ng driver nitong si Tyrone (Royce Cabrera), na siyang kabit din niya, na mahuhuli ng asawa ni Serina na si Enrico Montaverde (James Blanco) ang kanilang lihim na relasyon.
Sa episode noong Biyernes, July 3, galit na galit si Enrico na hinarap ang dalawa na matapos niyang sundan ang mga ito at malaman na matagal na siyang pinagtataksilan ng dalawa.
Dahil sa galit, sinesante niya sa trabaho bilang driver ng mga Montaverde si Tyrone at binalaan na sisiguraduhin niyang walang tatanggap sa binata sa buong Solmera City upang makapagtrabaho muli.








