Article Inside Page
Showbiz News
Hindi maitago ng fans at supporters ng tambalang 'AnGuel' ang kanilang kilig at excitement sa naganap na pag-amin ni Miguel (Heath Jornales) kay Angel (Caprice Cayetano) sa Brighton Bay Ball sa 'You're My Favorite Song!'Punong-puno ng “next-gen kilig” ang episode noong Miyerkules, July 22, dahil sa sweet moment ng tambalan nina Angel (Caprice Cayetano) at Miguel (Heath Jornales)—o mas kilala bilang ang tambalang 'AnGuel.'
Sa naturang episode, hinirang ang dalawa bilang 'King and Queen' ng Brighton Bay Ball. Bilang pagsunod sa matagal na tradisyon ng Brighton Bay Academy, ang lalaki at babaeng kokoronahan ay kailangang ikasal at magpalitan ng kanilang matamis na 'I do' sa Marriage Booth ng pagdiriwang.
Dahil sina Angel at Miguel ang nakoronahan sa gabing iyon, agad silang nagtungo rito kung saan marami sa kanilang mga kapwa mag-aaral ang sabik na nakaabang. Ngunit nadama ni Miguel ang kaba ni Angel. Agad niya itong tinanong at sinabihang kung hindi ito komportable ay hindi na nila kailangang ituloy ang kasal para sa kaniyang kapanatagan.






