Article Inside Page
Showbiz News
Damang-dama ang kilig sa kasal-kasalan nina Angel (Caprice Cayetano) at Miguel (Heath Jornales) sa Brighton Bay Ball sa 'You're My Favorite Song'!Nabalot ng labis na kilig ang social media matapos maging usap-usapan muli ang tagpo ng paboritong tambalan nina Angel (Caprice Cayetano) at Miguel (Heath Jornales), ang AnGuel, sa hit drama series na You're My Favorite Song!
Ngayong linggo ng serye, naganap ang pinakahihintay at inaabangang Brighton Bay Ball, kung saan ang lahat ng mag-aaral ng Brighton Bay Academy ay dumalo—suot ang kanilang maningning na mga suits at naggagandahang gowns—para sa isang pagkakataon ng pagdiriwang, sayawan, at kilig.
Bukod sa pagkakataong magsaya, naging pagkakataon din ang gabi para kina Miguel, Calix (Clifford), at Zion (Marco Masa) upang aminin ang kanilang tunay na nararamdaman para sa matapang, matalino, at busilak na si Angel. Kani-kaniyang diskarte ang tatlo sa kabila ng iba't ibang hadlang.






