Article Inside Page

Showbiz News

Ito na ang pinakahihintay na Brighton Bay Ball sa 'You're My Favorite Song'!Tuloy-tuloy ang paghahatid ng kilig at excitement nina Angel (Caprice Cayetano), Miguel (Heath Jornales), Calix (Clifford), at Zion (Marco Masa) hapon-hapon sa GMA Afternoon Prime romance-drama series na You're My Favorite Song.

Sa July 16 episode, opisyal nang inanunsyo ang pinakahihintay na Brighton Bay Ball! Inanyayahan ang lahat ng mag-aaral na sumali sa grandeng kaganapang ito na nangyayari lamang minsan sa bawat academic year.

Habang abala ang lahat sa paghahanda, kani-kanya na ring diskarte ang tatlong lalaki sa buhay ni Angel, sina Miguel, Calix, at Zion, para makuha ang kaniyang puso.