Article Inside Page
Showbiz News
Abangan ang kasalang Angel (Caprice Cayetano) at Miguel (Heath Jornales) sa Brighton Bay Ball sa 'You're My Favorite Song'!Isa-isa nang gumagawa ng hakbang sina Miguel (Heath Jornales), Calix (Clifford), at Zion (Marco Masa) upang maamin at maipakita kay Angel (Caprice Cayetano) ang kanilang tunay na nararamdaman para sa kaniya.
Sa naganap na Brighton Bay Ball, nang buksan na ang dance floor, agad na kinuha ng tatlo ang pagkakataon na mapalapit kay Angel at ayain itong makasayaw.
Bagama't natotorpe, nauna sa tatlo ang best friend ni Angel na si Zion. Naglakas-loob ang binata na ayain ang kaniyang kaibigan, na ngayo'y kaniyang hinahangaan, upang makasayaw. Napuno ng saya ang sandaling ito ng magkaibigan habang sila ay masayang nagsasayaw, kung kaya't hindi na nakaamin si Zion ng kaniyang tunay na nararamdaman.






