Article Inside Page

Showbiz News

Abangan ang muling pagkikita nina Angel (Caprice Cayetano) at Captain Serenade na si Miguel (Heath Jornales) sa You're My Favorite Song!Matapos pagbintangan ni Calix (Clifford) si Angel na nagpakalat ng kaniyang fake video, kung saan umamin siyang may pagtingin sa dalaga noong naglaro sila ng lie detector gadget, agad na hinanap ng binata ang dalaga upang komprontahin.

Kasama ng binata ang kaniyang mga kaibigang sina Raviel (Lee Victor), Dash (Andrei Fajardo), at Poncy (Kairo Lazarte). Ang hindi niya alam, lihim na ipinakalat nina Adie (Princess Aliyah) at Charm (Waynona Collings) ang nasabing video.

Kasalukuyan namang nagsu-shoot ng video bilang prince at princess ang magkaibigang Angel at Zion (Marco Masa) nang sugurin sila ng galit na galit na si Calix. Para makatakas mula sa bully sa school, sinabuyan ng buhangin ni Zion ang grupo ni Calix na nagbigay-daan para makatakbo ang dalawa.