Article Inside Page

Showbiz News

Simula na kaya ang matinding kompetensya sa pagitan nina Miguel (Heath Jornales), Calix (Clifford), at Zion (Marco Masa) para sa puso ni Angel (Caprice Cayetano)? Abangan sa 'You're My Favorite Song'!Hindi nagpapahuli ang sunud-sunod na mga rebelasyon at plot twist sa GMA Afternoon Prime series na You're My Favorite Song! Mula sa hindi matagumpay na pagpapapatay ni Serina (Kazel Kinouchi) kay Enrico (James Blanco), hanggang sa pagkakabunyag kay Lady Mara (Wilma Doesnt) na buhay pa ang tagapagmana ng mga Monteverde na si Celestine—talagang napapakapit ang lahat sa bawat episode.

Bagama't puno ng drama at aksyon, hindi pa rin mawawala ang matinding kilig na hatid nina Angel (Caprice Cayetano), Miguel (Heath Jornales), Calix (Clifford), at Zion (Marco Masa) tuwing hapon.

Matapos mabunyag kay Angel na si Miguel pala ang misteryosong si Captain Serenade, pumasok si Miguel sa Brighton Bay Academy. Bukod sa payo ng mga doktor na mag-hiatus muna ito sa bandang Siklab, ginawa niya ito upang mas makasama si Angel at maipagtanggol ang dalaga mula sa bully at academic rival nitong si Calix.