Article Inside Page
Showbiz News
Abangan kung paano magtutulungan sina Miguel (Heath Jornales), Calix (Clifford), at Zion (Marco Masa) upang tulungan si Angel (Caprice Cayetano) sa finale week ng You're My Favorite Song!Sa nalalapit na pagtatapos ng hit romance-drama na You're My Favorite Song, sunod-sunod pa rin ang mga malalaking pasabog at matitinding tagpo sa buhay ng bidang si Angel (Caprice Cayetano) matapos malaman ng lahat na siya pala si Celestine—ang matagal nang nawawalang tagapagmana ng mga Montaverde.
Matapos ang pagkakakulong ni Mama Bebe (Katya Santos) at ang pagpapalaya sa kaniya ni Enrico Montaverde (James Blanco) nang bumalik ang alaala nito, tila nagbago ang ihip ng hangin sa pagpapanggap ni Serina (Kazel Kinouchi) na siya ay nagbago na.
Ngunit bahagi lamang pala ito ng kaniyang lumalalang masamang balak laban sa pamilya Dimaculangan at sa mag-amang Montaverde.






