Article Inside Page
Showbiz News
Abangan kung sino nga ba kina Miguel (Heath Jornales), Calix (Clifford), at Zion (Marco Masa) ang unang aamin kay Angel (Caprice Cayetano) sa You're My Favorite Song!Umaapaw na kilig at excitement ang dala ng Brighton Bay Ball noong Biyernes, July 17, na dinaluhan nina Angel, Miguel, Calix, at Zion, kasama ang buong estudyante ng Brighton Bay Academy.
Sa naturang episode ng GMA Afternoon Prime romance-drama series na You're My Favorite Song, lahat ay elegante at kumikinang ang anyo habang suot, hindi ang kanilang pang-araw-araw na school uniform, kundi ang naggagandahang suits at gowns para sa isang gabi ng pagdiriwang, sayawan, at kilig.
Sa gabing iyon, napuno rin ng kaba ang tatlong lalaki sa buhay ni Angel na sina Miguel, Calix, at Zion dahil sa lumalagong damdamin para sa dalaga. Labis ang kaba ng tatlo sapagkat pare-pareho silang naghahandang aminin ang tunay nilang nararamdaman para sa mabait, maganda, at matapang na si Angel.






