Article Inside Page

Showbiz News

Kinaaliwan ng viewers at fans ang naganap na sabay-sabay na confessions nina Miguel (Heath Jornales), Calix (Clifford), at Zion (Marco Masa) sa 'You're My Favorite Song!'Hindi pa rin nauubusan ng nakakakilig na tagpo ang hit romance-drama na You're My Favorite Song hanggang sa huling linggo nito!

Sa episode noong Martes, July 28, nagtungo si Angel (Caprice Cayetano) sa opisina ni Ma'am Dragona (Shyr Valdez) upang asikasuhin ang kaniyang clearance. Inaayos na kasi niya ang kaniyang mga kailangan para sa pagpapatuloy ng kaniyang pag-aaral sa ibang bansa, na kaugnay din ng tuloy-tuloy na pagpapagamot at operasyon ni Lolo Xavi (Boboy Garrovillo).

Pinuri at hinangaan ni Ma'am Dragona ang dalaga sa kaniyang natural at likas na katalinuhan. Agad namang nagpasalamat si Angel sa lahat ng kaniyang natutuhan sa guro sa Brighton Bay Academy, mga aral na aniya'y babaunin niya hanggang sa kaniyang paglipad patungong ibang bansa para sa kaniyang senior high school.